👉 May iniwan sa ating tanong ni Bro Bong: Kaylan napasa iyo ang Holy Spirit?
ISANG BAGONG KAUGNAYAN
🔴 Basahin ang Efeso 1:13
"Kayo man ay napabilang na kay Cristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda (tatak) na pagmamay-ari na niya kayo.” (Tagalog Contemporary Bible)
1. Sa talata ano ang tatlong TAGPO na makikita natin?
K__________________
P__________________
B_______ na E__________
🔴 Basahin ang Efeso 2:8-9 - 8 Dahil sa biyaya ng Dios, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng Dios, at hindi galing sa inyo. 9 Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang maipagmalaki ang sinuman. (Tagalog Contemporary Bible)
2. Ayon sa verse 8, paano tayo naligtas? nang S________________. Sa verse 9, bakit wala tayong maipagmamalaki? dahil ang ating kaligtasan ay hindi nakasalalay sa m________ ninyong g_______.
PAG-UUSAPAN
🔴 Nakasaad sa Juan 1:12 - " Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios." TCB
3. ano ang ginawa ng Panginoon maliban sa pagligtas Nya sa atin sa impyerno? A_____ ng D_____.
🔴 Basahin ang 1 Juan 5:11-13 "11 At ito ang patotoo ng Dios: Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na itoʼy nasa kanyang Anak. 12 Ang sinumang nasa kanya ang Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang sinumang wala sa kanya ang Anak ng Dios ay walang buhay na walang hanggan." TCB
4. Sa verse 11, kanino natin nakamtan ang buhay na walang hanggan? nasa Kanyang A____ o kay H________.
5. Sagutin ng Tama o Mali: Sa verse 12 , may buhay na walang hanggan din kasama ang Diyos ang mga taong WALA sa kanya si Hesu-Kristo.
ANG BIYAYA!
🔴 Basahin ang 2 Corinthians 5:17 "Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya." TCB
May bago ka nang pagkatao at 'yun ay kay Jesus Christ - Mauunawaan mo pa ang mga bagay na ito sa ating pagpapatuloy sa ARALIN 2.
🩸🩸🩸
NGAYON na nakita mo ang bagong buhay mo kay Jesus, ano ang Gusto mong ipagpasalamat sa Diyos? Ano ang gusto mong ipanalangin natin sa Kanya?
Copy this link to share the video 👉 👉 https://bit.ly/aralin-1